Nakikipag-ugnayan na ang Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC sa National Housing Authority para sa relokasyon ng mga nakatira malapit sa San Juan river at mga Estero sa Maynila.
Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia, ito’y upang tuluyan nang ma-implement ang isinasagawa nilang rehabilitasyon nang walang maaapektuhang mga residente.
Patuloy din ang kanilang monitoring sa rehabilitasyon kabilang na ang ilang proyekto para masigurong magiging maayos ang mga daluyan ng tubig sa lungsod.
Itinanggi naman ni Goitia ang lumabas na balitang umabot na sa higit isang daang milyong piso ang nagastos nila sa rehabilitasyon sa Pasig river noong 2018 kung saan aniya aabot lamang sa tatlumpung milyung piso ang pondo na kanilang nailabas.
Umaasa naman ang komisyon na walang magiging problema at makipag-tulungan sana ang mga residente na apektado ng rehabilitasyon.