‘Paskuhan sa Cauayan 2019’, Nagningning sa samu’t saring mga Higanteng Palamuti

*Cauayan City, Isabela*- Pormal nang pinailawan ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang ‘Paskuhan sa Cauayan 2019’ ito ay upang mas maipadama sa Cauayeño ang nalalapit na pagdiriwang ng pasko at bilang atraksyon na rin sa mga turistang bibisita sa lungsod.

Para sa ilan, hindi kumpleto ang pasko kung hindi masasaksihan ang mga higanteng palamuti sa  harap ng Cauayan City Hall na  kinagigiliwan ng mga bata at matatanda.

Sa naging mensahe ni City Mayor Bernard Dy, kanyang sinabi na ang diwa ng pasko ay hindi lamang nasusukat sa materyal na bagay kundi sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa bawat isa.


Inaasahan naman na sa pamamagitan nito ay maramdaman ng publiko ang tunay na diwa ng Pasko.

Facebook Comments