Pinangunahan ni City Mayor Jay Diaz, katuwang ang ilang mga city officials ang pormal na pagbubukas ng Paskuhan Village.
Dumalo rin sa kasiyahan ang Singer-songwriter na si Yeng Constantino.
Maliban sa Christmas Lighting, ay mayroon ring naganap na Human Lantern Parade na kung saan ang mga naging kalahok ay mga miyembro ng LGBTQ community.
Ang bawat kalahok ay nagningning sa kanilang mga kasuotan.
Ngunit tinanghal bilang pinaka maningning Si Dan “Samantha” Padilla, dahil sa kanyang corn-inspired costume.
Bilang premyo, nag-uwi si Samantha ng halagang P12,000 at iba pang tokens.
Samantala, ang iba namang nanalo ay nakakuha ng P8,000 at P6,000 para sa pangalawa at pangatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod, habang P3,000 bawat isa naman ang ibinigay sa mga hindi nanalo bilang consolation prize.
Ang mga lumahok sa nasabing patimpalak ay mga designer at miyembro ng City of Ilagan Gay Association (CIGA).
Bukod dito, gaganapin din ang iba’t ibang event sa Christmas village sa lungsod, tulad ng electric Christmas float competition, Kiddie Christmas costume contest, retro Zumba, music festival, food plaza, meet and greet with Santa Claus, film showing, bandang Pulse Melody, at iba pa.