Paslit, patay matapos pahirapan ng ina dahil umano sa nasirang TV

MICHIGAN, US – Nasawi ang 1-anyos na bata matapos paulit-ulit na pagmalupitan ng sariling ina dahil umano sa nasira nitong flat screen TV noong Sabado, Disyembre 7.

Base sa report, nagtamo ng basag sa bungo, pamamaga ng utak, basag sa ilang bahagi ng buto at pagdurugo si baby Viston Stevenson na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa kwento ng mga kaanak ng 20-anyos na suspek na si Rhionna Nichols, nagsimula ang panggugulpi nito sa anak matapos umanong masira nito ang kanyang flat screen TV.


Dahil sa tinamong mga sugat, agad na isinugod sa Children’s Hospital of Detroit si Viston noong Biyernes ngunit binawian ng buhay kinabukasan.

Inaresto si Rhionna at humaharap sa kasong murder, torture, at first-degree child abuse.

Wala namang inilabas na pahayag ang Detroit Police Department sa brutal na pagkamatay ng bata.

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ni baby Vinson kasabay ng matinding galit sa ina nito.

Facebook Comments