Lola, nasagip matapos hindi makaahon sa bathtub nang 8 araw

938

Higit isang linggong walang kain ang isang matandang babaeng hindi makabangon sa bathtub sa kanyang bahay sa Leicestershire, England.


Nasagip ang hindi pinangalanang babaeng nasa edad 70 matapos mabahala ang empleyado ng pinagbibilhan niya ng pagkain dahil hindi siya matawagan.

Pinasok ng pulisya ang bahay at nadiskubre ang matanda na walong araw na umanong nakahiga sa bathtub dahil hindi mabuhat ang sarili.

Gutom, ngunit maayos naman daw ang pakiramdam nito at dinala na rin sa ospital, ayon sa ulat ng Metro.

Napanatili naman daw ng matanda ang init sa banyo gamit ang electric fire.

Facebook Comments