Pasok sa Maynila sa January 9, suspendido

Manila, Philippines – Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod sa Enero 9 (Miyerkules).

Ito ay para bigyang daan ang selebrasyon sa Pista ng Itim na Nazareno sa susunod na linggo.

Inanunsyo na rin ni City Administrator Ericson Alcovendaz na wala na ring pasok sa trabaho sa mga government offices ng Maynila salig na rin sa Executive Order no.1 ni Manila Mayor Joseph Estrada.


Pero paalala naman ng city government ng Maynila na may pasok ang mga tanggapan ng lungsod na may kinalaman o kasama sa paghahanda sa selebrasyon ng Feast of the Black Nazarene.

Facebook Comments