Top 1 Most Wanted Person sa Reina Mercedes, Nahuli na!

309

Luna, Isabela- Timbog ang Top 1 Most Wanted Person ng Reina Mercedes, matapos isilbi kagabi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Lalog 1, Luna, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Roman Tungpalan Cabaltican, 55 anyos at residente ng Brgy. Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP Luna sa pangunguna ni PSI Joseph Jonathan Binayug, ang suspek matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela sa kasong attempted murder.

Nasa kustodiya na ng PNP Luna ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago iturn-over sa PNP Reina Mercedes.

Pansamantalang makakalaya si Cabltican kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang isang daan at dalawampu’t libong piso (120,000.00).

Facebook Comments