Una rito, sinuspinde na kahapon pa ni Governor Marilou Cayco ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan bilang paghahanda dulot ng sama ng panahon.
Sa kabila ng suspension, mananatili naman ang mga tanggapan na kasama sa pagbibigay ng basic and health services upang tumugon sa kalamidad.
Kabilang mismo ang tanggapan ng Gobernador, PDRRM Office, MDRRM Offices, Social Welfare & Development, Maintenance section of the General Services Office (GSO), Engineering Department, Health-related institutions at lahat ng uniformed personnel.
Kaugnay nito, nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Tiniyak ng Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na sapat ang mga ipinamahaging relief goods sa mga pamilyang posibleng maaapektuhan ng bagyong Henry.