Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sasabak sa kanyang unang dalawang inaugural state visits sa susunod na linggo

123

Kasado na ang unang dalawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakatakda sa susunod na linggo.

Mauunang pupuntahan ng pangulo ang Indonesia na kung saan ay makikipagpulong siya kay Indonesian President Joko Widodo.

Tatagal ang state visit ng Pangulo sa Indonesia mula September 4 hanggang 6 kasunod nito ay didiretso siya sa Singapore para sa isa ring state visit.


Makikipagpulong si Pangulong Marcos kay Singaporean President Halimah Yakob at Prime Minister Lee Hsien Loong.

Inaasahang mapag-uusapan ang close bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Singapore maging ang patungkol sa regional and global issues.

Tatagal ang state visit ng pangulo sa Singapore ng mula September 6 hanggang September 7.



Facebook Comments