Barangay Tanod at kanyang Asawa, Nahulihan ng P1-M halaga ng Marijuana

40
Cauayan City, Isabela- Arestado ang mag-asawa matapos mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Batal, Santiago City kagabi, September 1, 2022.

Sa report ng PDEA region 2, kinilala ang mag-asawa na sina Villamor Caliboso Jr. alyas ‘Jong’, 45 anyos, Barangay Tanod/Driver at Diosa Caliboso, OFW at residente ng Purok 7, Habitat, Brgy. Naggasican, Santiago City, Isabela.

Naaktuhan ang mag-asawa na nagbebenta ng isang (1) piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang operatiba na umakto bilang poseur buyer.

Nakumpiska rin sa operasyon ang apat (4) na bricks ng hinihinalang Marijuana hashish na tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon.

Nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang ilang personal na gamit gaya ng cellphone, motorsiklo at ID’s.

Mahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments