Passenger Ship Safety Certificate ng nasunog na MV Asia Philippines, sinuspinde ng MARINA

Sinuspinde na ng Maritime Industry Authority o MARINA ang Passenger Ship Safety Certificate ng nasunog na MV Asia Philippines.

Ito ay para isailalim sa safety inspection ang nasunog na barko para madetermina ang seaworthiness condition nito sa paglalayag.

Inatasan din ng MARINA ang Philippine Coast Guard (PCG) na ipatupad ang nasabing kautusan.


Samantala, kinumpirma ng PCG na accounter na ang lahat ng pasahero ng nasunog na barko at walang missing.

Ito ay matapos makumpirma na sa ibang barko pala sumakay ang hinahanap na dalawang pasahero.

Bunga nito, tinapos na ng Coast Guard ang kanilang search and recovery operations kaugnay ng nasabing insidente

Facebook Comments