Passport at visa ng mga dayuhang papasok sa bansa, masusing bubusisiin ng BI

Masusing babantayan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhang magtatangkang pumasok sa bansa gamit ang mga pekeng passport at visa.

Ito ay bilang bahagi ng heightened alert ng BI kasunod ng mga pagsabog sa Mindanao.

Naka-alerto rin ngayon ang border control and intelligence unit ng Bureau of Immigration (BI).


Una nang inilagay ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang mga tauhan nito sa international airports at seaports sa buong bansa.

Layon nito na hindi malusutan ng posibleng pagpasok sa bansa ng foreign terrorists.

Facebook Comments