San Juan City, nagdeklara ng kanselasyon ng pasok ngayong araw

Suspendido ang pasok sa San Juan City sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw, Enero 30.

Batay sa memorandum na pinirmahan ni San Juan City Mayor Guia Gomez, bunsod ito ng inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa bahagi ng N. Domingo Street, F. Blumentritt Street at Pinaglabanan Street dahil sa isang medical mission at religious activity.
Maari kasing mahirapan ang mga mag-aaral na pumasok sa mga paaralan dahil sa nasabing aktibidad

Facebook Comments