Passsport ni dating Congressman Zaldy Co, hindi maaring kanselahin

Hindi maaring basta na lang kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kapag walang court order.

Pahayag ito ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon na miyembro din ng House Committee on House Committee on Foreign Affairs.

Reaksyon ito ni Ridon sa giit ni Navotas Rep. Toby Tiangco na kung gusto ay maaring gawan ng paraan ng DFA na makansela ang passport ni Co.

Paliwanag ni Ridon, ang gustong mangyari ni Tiangco ay wala sa Konstitusyon at wala din sa Passport Act.

Sabi ni Ridon, batay sa batas, ay dapat kasuhan muna si Co para maproseso ang pagkansela ng passport nito.

Facebook Comments