Pastor Joel Apolinario at iba pang Kapa officials, no show na naman sa DOJ hearing; mga abogado, bigo ring maghain ng counter affidavit

6400

Bigo pa ring maghain ng kontra salaysay ang mga opisyal ng Kapa Community Ministry Inc. sa pagpapatuloy ng hearing ng DOJ sa reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission.

 

Partikular ang paglabag sa ilang probisyon ng Securities Regulation Code kaugnay ng sinasabing investment scam ng Kapa.


 

No show din sa pagdinig si Kapa Founder Joel Apolinario at iba oang respondents dahil daw maraming death threats na natatanggap nito.

 

Tanging ang mga abogado lamang ni Pastor Apolinario, Reyna Apolinario at Rene Catubigan sa pangunguna ni Atty. Mae Divinagracia ang dumalo sa hearing.

 

Gayunman, walang bitbit na kontra salaysay ng kanilang mga kliyente ang mga abogado at sa halip ay humirit sila na sa provincial prosecutor ng Saranggani panumpaan ng respondents ang counter affidavit dahil daw sa pagbabanta sa buhay.

 

Pinagbigyan naman sila ng DOJ panel of prosecutors at inatasan na magsumite sa kanila ng counter affidavit sa susunod na pagdinig sa July 29.

 

Hindi naman nakarating sa preliminary investigation ang mga complainant na opisyal ng SEC.

Facebook Comments

From Advertisers