PATAFA 2018, Handang Handa Na!

City of Ilagan, Isabela – Pinaghahandaan na ngayon ng City of Ilagan ang pangalawang pagkakataon sa pagdaraos ng Philippine Athletics Track And Field Association o PATAFA 2018 na gaganapin sa Ilagan Sports Complex sa darating na May 31 hangang June 4,2018.

Ayon kay ginoong Paul Bacungan, Public Information Officer ng City of Ilagan Government na noong isang lingo pa nandito sa lalawigan ng Isabela ang contingent ng National Organizing Committee sa pangunguna ni Mr. Edward Go.

Pinaghahandaan narin umano ng pamunuan ni Ilagan City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz ang mahabang pagdating ng mga foreign athletes na mula sa bansang United Arab of Emirates, Hongkong , Singapore, Macao , Malaysia at maaring dumating rin ang deligado mula sa Poland na sasali sa master level competition.


Sinabi pa ni Paul Bacungan na labing dalawang bansa ang maaring dumalo sa PATAFA kung saan inaasahan na sila ay lalapag sa Cauayan at Tuguegarao Airport.

Mula May 28-29 ang pagdating ng mga deligado mula sa iba’t ibang bansa dahil ang formal opening umano ay sa hapon ng May 30 at sa May 31 ang umpisa na ng PATAFA basic games na run, jump and throw.

Maaring aabot sa walong daan hanggang isang libong athletes ang dadalo sa PATAFA at inaasahan din na darating si Elma Muros, ang pinakamabilis na runner sa ating bansa.

Samantala bawat deligado umano ay may itatalagang seguridad maging sa mga lugar na kanilang tutuluyan habang nasa City of Ilagan.

Facebook Comments