Pinapasimplehan ni Senator Grace Poe sa Land Bank of the Philippines ang patakaran at proseso ng loan program para sa mga estudyante.
Kaugnay nito ay hinikayat ni Poe ang mga estudyante na gamitin ang pagkakataon para umutang sa Land Bank ng pantustos sa kanilang pangangailangan sa online learning tulad ng pambili ng electronic gadgets.
Ayon kay Poe, na siyang Chairperson ng Senate Committee on Banks, maraming pamilya ang hirap makabili ng laptop, desktop o tablet na kailangan sa online learning ng kanilang mga anak.
Sa pagdinig ng Senado ay sinabi naman ng Land Bank na hanggang P150,000 ang maaari nitong ipautang sa mga estudyante at hanggang P300,000 sa mga magulang na siyang magbabayad ng matrikula at bibili ng mga gadget.
Facebook Comments