
Kasabay ng pagbabalik ng session sa susunod na linggo, inaasahan ding magsasagawa ng pulong ang House Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) Review Committee.
Ayon kay Quezon 1st District Representative Mark Enverga, na siyang vice-chairman ng komite, ito ay upang talakayin ang mga umiiral na patakaran hinggil sa paglalabas ng (SALN) ng mga kongresista.
Sa pagkakaalam ni Enverga, bibigyan muna sila ng briefer mula sa House Secretariat ukol sa panuntunan sa pagsasapubliko ng SALN na inilatag noong 2016.
Kasunod nito, magsasagawa sila ng pagtalakay kung babaguhin ba o pananatilihin ang nabanggit na patakaran.
Facebook Comments









