Tiniyak ni Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang patas na paghimay at paglalaan ng pambansang budget.
Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Partido Reporma Treasurer at Spokesperson at dating LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty na P300 bilyon ang naisalba ni Lacson sa pambansang budget.
Aniya, dahil sa kanyang mahigpit na pagbabantay bilang bahagi ng kanyang tungkulin at malinis na serbisyo ay bilyon-bilyon din ang nasagip niya sa kaban ng bayan.
Siniguro rin ni Ty ang kahandaan ni Lacson sa kahaharaping problem ng bansa gaya ng korapsyon, edukasyon, kagutuman at healthcare system.
Facebook Comments