DOH, nakapagtala ng higit 8,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 8,564 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong bumaba kumpara sa 8,702 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,594,002 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 151,389 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 10,474 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,388,399 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,214 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 46 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 2 habang may anim na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments