Patas na paglalapat ng hustisya sa mga alagad ng batas na nahaharap sa kaso, tiniyak ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patas na paglalapat ng hustisya sa mga alagad ng batas na naiipit sa kaso dahil sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Binigyang diin ng pangulo – hindi niya papayagang mangibabaw ang kawalang katarungan, korapsyon, droga at kriminalidad.

Nanatili rin ang aniya ang kanyang determinasyon na linisin ang bansa sa iligal na droga.
Kasunod nito, hinikayat ng pangulo ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagdiwang ng kanilang ika-26 na taong anibersaryo na ipagpatuloy ang hangad na pagbabago.


Facebook Comments