BUY-BUST OPERATION | Mag-live partner, arestado sa iligal na droga

Marikina City – Arestado sa buy bust operation ng Marikina city police drug enforcement unit ang mag-live in partner na nagbebenta ng iligal na droga.

Sa ulat, nadakip ang mga suspek na sina Mary Greg Batidor at Maria Esmeralda Bae sa No. 57, Sprint Street sa Barangay Concepcion Uno.

Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet ng shabu kung saan narekober din ang marked money na ginamit sa pagbili ng droga.


Ayon kay Superintendent Roger Quesada, hepe ng Marikina City police station, ang dalawa ang siyang itinuturong source ng mga drug user na kanilang nadakip sa kalapit na barangay.

Facebook Comments