PATAY | Isang lalaki, sawi matapos manlaban sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang manlaban sa ikinasang anti-illegal drug operation ng QCPD sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Senior Superintendent Ronaldo Ylagan, deputy district director for operations ng Quezon City Police District (QCPD), minanmanan nila ang suspek na si alyas Doo, Biyernes pa lamang ng hapon.

Base sa imbestigasyon, nakahalata umano ang suspek na pulis ang kaniyang mga ka transaksyon kaya at tumakbo at nagpaputok ng baril sa mga pulis.


Narekober mula sa pangangalaga nito ang ilang basyo ng bala ng baril, isang kalibre 38 na baril, buy-bust money, at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments