SINIBAK | Dalawang opisyal ng PNP sa La Union, tinanggal sa pwesto

La Union – Sinibak sa puwesto ang provincial director ng La Union at hepe ng Agoo PNP matapos ang nangyaring pananambang kay dating Congressman Eufranio Eriguel.

Sinibak sa pwesto sina Police Chief Inspector Alfredo Padilla Jr., hepe ng Agoo Police Station at La Union Provincial Director Senior Superintendent Genaro Sapiera base na rin sa utos mula sa PNP headquarters.

Una nang inilagay ang dalawa sa Special Investigation Task Group na siyang inataasang magsagawa ng imbestigasyon sa pagkakapatay kay Eriguel pero wala pa rin resulta na inilalabas ang mga ito.


Matatandaang pinatay si Eriguel habang nagsasalita sa general assembly ng mga kandidato sa katatapos na Barangay at SK Elections noong may 12 kasama ang dalawang alalay nito.

Facebook Comments