Patay Sa Bagyong Nina – Pumalo Na Sa Labing Isa

45

MANILA – Umakyat na sa 11 ang bilang ng mga naitatalang namatay dahil sa bayong Nina.Pero paglilinaw ni NDRRMC Spokesman Mina Marasigan, sa nasabing bilang isa palang ang kumpirmadong namatay na maituturong sanhi ng bagyong Nina.Hindi naman pinangalan ni Marasigan ang biktima na nasa 33 taong gulang na lalaki mula sa bayan ng mulanay sa Quezon Province.Sa kasalukuyan ay bineberipika pa ng NDRRRMC kung related sa bagyo ang 10 pang fatalitiesAminado naman ang ahensiya na hindi pa kumpleto ang detalyeng nakarating sa kanila kung kaya mamaya inaantabayanan namin dito sa NDRRMC ops center sa kampo Aguinaldo ang magiging update hinggil sa pananalasa ng bagyong Nina.

Facebook Comments