Umaabot na sa 12 ang bilang ng mga napatay ng PNP Naga kaugnay ng operasyon nito laban sa illegal na droga. Ito ay ayon sa kumpirmasyon ni SPO2 Toby Bongon base na rin sa talaan ng Naga City Police Office simula nang ilunsad ng Duterte administration ang kampanya laban sa illegal na droga. Binigyang diin pa ni Bongon na lehitimo ang kanilang mga pagkilos na nagresulta lamang sa pagkakasawi ng mga armado at mapanganib na mga suspects dahil nanlaban ang mga ito.
Magugunitang buwan ng Hulyo ng nakaraang taon pinasimulan ng Duterte administration ang kampanya laban sa illegal na droga. Ito ay pinatupad ng pamunuan ng Philippine National Police sa buong bansa hanggang buwan ng Enero 2017 kung kelan pansamantalang sinunspendi ito sa loob ng halos isang buwan ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.
Sa unang yugto ng kampanya kontra illegal na droga, umabot sa 9 ang bilang ng mga napatay ng PNP Naga.
Buwan ng Marso ngayong taon nang ibalik ng pamunuan ng PNP ang kampanya, kung saan, sa area of responsibility ng Naga City Police Office, karagdgang tatlo pa ang nasawi kamakailan lamang bunga na rin ng operasyon ng mga kawani ng PNP Naga.
– Kasama Mo sa Balita, Paul Santos, Tatak RMN!
Patay sa Drug Ops ng PNP Naga, 12 Na
Facebook Comments