Patay sa pananalasa ng Bagyong Quinta, umabot sa 22 ayon sa NDRRMC

Dalawampu’t dalawang (22) indibidwal ang naitalang nasawi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos manalasa ang Bagyong Quinta.

Sa kanilang report, ang mga namatay ay naitala sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6 at 7.

Dumami rin ang naitalang sugatan na umabot sa 39 at apat ang nawawala na ngayon ay target pa rin ng search and rescue operation na naitala sa limang nabanggit na rehiyon.


Nadagdagan din ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Quinta na umabot sa 176, 532 families o katumbas ng 775, 513 indibidwal.

Sa bilang na ito 2,206 families, tumutuloy ngayon sa 150 evacuation centers at 1,773 families ay nakikituloy sa kanilang kaanak.

Kabuuang 95 insidente naman ng pagbaha, pagguho ng lupa at paglubog ng bangka ang na-monitor ng NDRRMC.

Naitala rin ng NDRRMC ang mahigit 52,000 bahay na nasira nang manalasa ang Bagyong Quinta, sa bilang na ito mahigit 49,000 ay partially damaged habang mahigit 3,000 ay totally damaged.

530 infrastructure naman ang nasira na aabot sa halagang mahigit 290,000 ang damaged.

Sa ngayon, patuloy na mino-monitor ng NDRRMC ang mga lugar na sinalanta ng Bagyong Quinta.

Facebook Comments