Patay sa pananasala ng Bagyong Rolly sa Bicol Region, umabot na sa 16 – OCD-5

Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga nasawi sa Bicol Region dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Batay sa pinakahuling tala ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5, 10 sa mga nasawi ay mula sa Albay, at anim (6) ay mula sa Catanduanes.

Tatlo (3) naman ang napaulat na nawawala sa Guinobatan, Albay.


Ayon pa sa OCD-5, kabuuang 96,887 pamilya o katumbas ng halos 400,000 mga indibidwal ang inilikas dahil sa bagyo.

Habang nasa 76,000 mga kabahayan ang winasak ng Bagyong Rolly sa nasabing rehiyon.

Sa tala naman ng Department of Agriculture (DA), nasa P694 milyong halaga ang pinsalang idinulot ng Bagyong Rolly sa rehiyon.

Facebook Comments