Patayan sa Negros Oriental, hindi dapat mauwi sa pagdedeklara ng Martial law – CHR

Iginiit ng Commission on Human Rights na hindi na kailangan na isailalim sa Martial law ang Negros Oriental dahil sa sunod-sunod na kaso ng patayan.

Sa isang kalatas pambalitaan, nagbabala si CHR Spokesperson Jacqueline de Guia na magiging isang pangkaraniwan na lamang ang pamamayani ng militar sa isang lugar kapag pinayagan ang Martial law sa Negros Oriental.

Idinagdag ni Guia na batay sa sumbong ng kanilang mga tauhan, pahirapan sa pagkuha ng resulta ng imbestigasyon mula sa hanay ng pulisya.


Pero ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, walang maayos na koordinasyon ang CHR sa kanilang mga police stations kaugnay ng gusto nilang makalap na datos.

Sinisilip ngayon ng Negros Oriental Provincial Police Office  ang kaugnayan ng NPA sa serye ng pagpatay.

Abot na sa 21 ang napatay simula noong July 18 kabilang na ang 4 na intelligence police officers na pinatay matapos pahirapan ng NPA sa bayan ng Ayungo.

Facebook Comments