Lolo na Wanted sa Kasong Tangkang Panggagahasa, Arestado!

*Isabela- *Huli ang 69 anyos na lolo na itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa bayan ng San Mateo matapos na silbihan ng warrant of Arrest sa Brgy. Villa Cruz, San Mateo, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Fernando Juarizo, 69 anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Villa Cruz, San Mateo, Isabela.

Si Juarizo ay hinuli ng mga kasapi ng PNP San Mateo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Nicasio B Bautista III ng RTC Branch 21, Santiago City dahil sa kasong 2 counts ng Attempted Rape.


May inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Juarizo na nagkakahalaga ng tig isangdaan at dalawampu’t libong piso (P120,000.00).

Nasa kustodiya na ng himpilan ng pulisya si Juarizo at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Samantala, timbog rin ang Top 10 Most Wanted Person ng bayan ng Alicia, Isabela na kinilalang si Benjamin Duran Jr, 41 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bantug Petines, Alicia, Isabela.

Si Duran Jr. ay hinuli dahil sa kasong Estafa na may kaukulang piyansa na P18,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments