Magtatalaga ng payout centers sa mga barangay sa Pateros bilang paghahanda sa pamamahagi ng ayuda bukas.
Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce, maglalagay ng mga payout centers sa kanilang lugar kung saan dito papupuntahin ang mga beneficiaries.
Pero gagawin ito ng kakaunti at magkakahiwalay na scheduling upang matiyak na walang paglabag sa health protocols.
Humingi naman ng paumanhin ang alkalde dahil asahang magiging mabagal ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Inamin ng Mayor na apektado ang mga tauhan ng lungsod partikular ang DSWD-Pateros at ang Treasury dahil ang mga ito ay nagpositibo sa COVID-19.
Magkagayunman, nagpaalalay na sa mga barangay ang alkalde para sa distribusyon ng cash aid sa mga residente.