BACOLOD CITY – Pormal ng sinampahan ng kaso ang isang ina na ginagamit ang kanyang mga menor de edad na anak para sa mga foreigners sa pamamagitan ng cybersex sa Brgy. 26 dito sa Bacolod City.
Ayon sa Women and Children’s Protection Desk Officer, Bacolod City Police Office, SPO4 Arlene Torendon, ang naturang nanay ay nahaharap sa kasong violation ng Anti-Violence Against Women and their Children Act, Anti-Cybercrime Law, Anti Child Abuse at Anti Trafficking in Person.
Matatandaan na noong nakaraang araw, na rescue ang anim na mga minors mula sa naturang cybersex den matapos nakatanggap ng report ang pulis na may mga menor de edad dito na ginagamit para sa mga foreigners.
Kasama sa na rescue ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki. Sa isinagawang entrapment operation, nadiskubre na inutusan mismo ng 35-year old na nanay ang kanyang pitong taong gulang na anak na babae (limang taong gulang sa unang report) na mag perform ng sexual act sa pamamagitan ng live stream sa harap ng foreigner kapalit ng pera.
Ang anim na iba pang mga minors ay mga kapitbahay ng suspek, napag-alaman na maging ang mga pamangkin ng suspek ay ini-exploit din nito.
Ang naturang cyber sex den ay halos tatlong taon ng nag-ooperate na minana pa ng suspek na ina mula sa kanyang kapatid.
Samantala, magpapatuloy naman ang counseling ng Department of Social services Division nga Bacolod City ang naturang mga minors dahil sa trauma na kanilang dinanas. / Filipino version