Patong-patong na kaso inihain laban sa Catanduanes gov

Isang linggo matapos patawan ng anim na buwang suspension ng Office of the Ombudsman ay patong-patong pang panibagong kaso ang nakatakdang iharap laban kay Catanduanes Governor Joseph Cua.

Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ni Rey Mendez, magsasampa siya ng bagong kasong graft and corruption laban kay Governor Cua bunsod ng umano ay panibagong anomalya na nabunyag sa tanggapan ng gobernador.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mendez sa Office of the Deputy Ombudsman for Luzon dahil sa kanilang ipinataw na anim na buwang suspension kay Governor Cua na mabilis namang ipinatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG).


Ayon kay Mendez, natutuwa ang kanyang mga kababayan sa Catanduanes dahil magwawakas na rin ang pagiging “buhay hari” ng gobernador sa kanilang lalawigan.

Si Governor Cua ay pinatawan ng anim na buwang suspension simula noong Enero 10, 2019 dahil sa kasong “Abuse of Authority, Dishonesty, Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Interest of Public Service.

Facebook Comments