Ginang – nagbigti, patay

Cagayan De Oro, Philippines – dinala na sa Alubijid Misamis Oriental ang bangkay ng isang babae, matapos magpakamatay sa Barangay Patag sa siyudad ng Cagayan De Oro.

Ang biktima ay kinilalang si Gloria Alaan, 54 taong gulang residente ng Alubijid, Misamis Oriental.

Nalaman na sa hindi pa nangyari ang insidente, bumisita pa ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid upang humingi ng advice tungkol sa kanyang problema.


Nalaman na nakita ang biktima na nagbigti sa kisame, gamit ang electric wire.

DZXL558

Facebook Comments