
Pinasabugan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang patrol car ng Rajah Buayan Municipal Police Station sa Barangay Sapakan alas-8 ng umaga ngayong araw.
Ayon sa ulat ng pulisya, reresponde sana ang mga pulis ang unang insidente ng pagsabog sa lugar, nang biglang mangyari ang pagsabog sa kanila namang sasakyan habang binabaybay nila ang kalsada.
Ayon kay Police Regional Office 10 Director Police Brigadier General Jaysen Carpio De Guzman, wala namang nasugatan sa 6 na pulis na lulan ng police patrol.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon kung may kaugnayan sa pulitika ang nasabing insidente.
Facebook Comments










