Patuloy na pagtanggap ng EU sa Pinoy seafarers, welcome sa DFA

Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang desisyon ng European Commission na palawigin ang pagkilala sa certificates for seafarer ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, kaakibat ng patuloy na pagkilala ng EU sa International Convention on the Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) for Seafarers ang kondisyon na dapat makasunod ang Pilipinas sa commitments nito na paghusayin ang proseso at implementasyon ng maritime, Education, Training and Certification (METC) system ng bansa.

Tiniyak naman ng ahensya na sisikapin ng gobyerno na itaas ang METC system sa “highest standard” gayundin ang posibleng pinakamagagandang oportunidad para sa mga Filipino seafarer, sa domestic man o foreign flag vessels.


Samantala, dahil sa desisyon ng EU, nasa 50,000 Pinoy seafarer ang naisalba sa pagtatrabaho sa European vessels.

Matatandaang nanganib ang trabaho nila makailang ulit na bumagsak ang bansa sa evaluation ng European Maritime Safety Agency o EMSA.

Kinilala naman ng EU ang pagiging seryoso ng Pilipinas na makasunod sa maritime labor requirements.

Facebook Comments