“Bagging” operations sa MT Princess Empress, sinimulan na ng PCG, Japanese ship

Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang “bagging” operations para pigilan ang pagtagas ang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Katuwang ang mga tauhan ng Shin Nichi Maru, isang Japanese dynamic positioning vessel (DVP), isinagawa ng PCG ang bagging method gamit ang remotely operated vehicle (ROV) para tapalan ang mga tagas.

Ipinantapal nila sa leaking areas ang mga specialized bag mula sa United Kingdom.


Habang bukas, inaasahang darating sa probinsya ang 16 na customized bags mula sa planta sa Cavite.

Facebook Comments