Patunay na politika at hindi ekonomiya ang pakay ng Cha-Cha, higit ngayon lumulutang

Para kay Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, luminaw ngayon na politika tunay na motibo ng panukalang Charter Change (Cha-Cha) at hindi para sa ekonomiya.

Inihayag ito ni Brosas matapos bumawi ng suporta ang anim na malalaking business groups sa panukalang pag-amyenda sa mga economic provision sa 1987 Constitution.

Diin pa ni Brosas, delikado na masakamay ng mga delegado ng Constitutional Convention o ConCon ang pag-amyenda sa Saligang Batas dahil maging ang mga probisyon ukol sa term limits, dynasties, at bill of rights ay maari din nilang galawin.


Giit ni Brosas, hindi ngayon ang tamang panahon para gumastos ng ₱28 billion para sa ConCon.

Apela ni Brosas sa Senado at Kamara, sa halip na atupagin ang Cha-Cha ay mainam na pagtuunan ang pagtalakay at pagpasa sa mga panukalang batas na para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino lalo na ng mga manggagawa.

Facebook Comments