Iginiit ni Committee on Public Services Chairpeson Senator Grace Poe na ginagawa lang niya ang kanyang trabaho.
Sagot ito ni Poe sa pasaring ni Pangulong Rodrigdo Duterte sa pagiging atribida ng isang senadora kaya hindi naaprubahan ang panukalang emergency power para lutasin ang lumalalang problema sa trapiko.
Ayon kay Poe, makikita sa mga isinasagaw nyang pagdinig na ipinaglalaban niya ang kapakanan ng mga mananakay at maging ang kabuuan ng pamahalaaan.
Diin pa ni Poe, tungkulin nilang busisiin at pag aralan ng husto ang hirit na emergency powers para masiguro na may kaukulang safeguard ito at hindi maaabuso o hindi magamit sa katiwalian ang pondo.
Katwiran pa ni Poe, hindi sya ang dapat sisihin sa bigong pagresolba sa problema sa trapiko dahil hindi naman sya ang traffic at hindi rin sya ang MMDA.
Sa tinin ni Senator Poe, ginagamit na lang na excuse o’palusot ang emergency powers sa kabiguang ipatupad ang mga proyekto at programa na lulutas sa trapiko.