Paumanhin nina Sec. Locsin at Cong. Salceda hinggil sa nailabas na lumang video sa sitwasyon sa Divisoria, natanggap na ng lokal na pamahalaan

Natanggap na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang paumanhin nina Congressman Joey Salceda at Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.

Ito ay kaugnay sa na-ishare nilang video kung saan makikita ang kumpulan ng mga sasakyan at mga tao sa Divisoria.

Dahil dito, kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Mayor Isko Moreno at karamihan sa kanila ay sinasabing tila hindi nasusunod ang pinapiral na Enhance Community Quarantine (ECQ) ng pamahalaan.


Pero, nilinaw naman nina Salceda at Locsin na matagal na ang naturang video at hindi ito nangyari sa kasagsagan ng ECQ.

Sinabi pa ng dalawa na may ilang netizen ang nag-share ng video sa kanilang social media kaya at agad silang naglabas ng pahayag hinggil sa nasabing isyu.

Kaugnay nito, inutusan na din ni Yorme ang Anti-Cybercrime Division ng Lokal na Pamahalaan para hanapin at alamin ang source ng naturang video at kanila itong sasampahan ng kasi upang hindi na pamarisan.

Facebook Comments