PAUNAHAN | Kakaibang karera ng suso, ginanap sa England

United Kingdom – Isang kakaibang karera ang ginanap ngayon sa Norfol, England.

Sa halip kasi na mabibilis na saksakyan, hayop o tao mahigit 150 suso ang isinabak ng kani-kanilang amo sa 2018 World Snail Racing Championship.

Pero hindi tulad ng karaniwang karera na pahaba ang linya, inilagay ang mga suso sa pabilog na lamesa na may tatlong linyang pabilog at mag-uunahan silang malampasan ito na may layong 13 pulgada.


Bagaman at nakakainip, marami pa din sa mga may alaga nito ang sineryoso ang laban kung saan ang iba ay isinailalim pa sa training ang suso habang iba naman ay nag-undergo pa ng drug test.

Tinanghal naman na champion ngayon ang snail na si Hosta na pag-aari ni Jo Waterfield at nauwi nito ang litsugas na nakalagay sa silver tankard.

Nabatid na ginagawa ang naturang kompetisyon mula pa noong 1960s.

Facebook Comments