Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang tatlong sunod-sunod na buwang dagdag-singil sa kuryente ng MERALCO simula ngayong Marso.
Ayon kay ERC Spokesperson Atty. Rexie Baldo-Digal — base sa inilabas na provisional approval ng ERC, gagawing utay-utay ang dagdag-singil.
Pero sa halip na 30 sentimo kada kilowatt hour, ginawa lang nila itong tag-22 sentimo para sa buwan ng Marso, Abril at Mayo.
Ibig sabihin, pwede pang lumaki ang dagdag-singil sa March bill dahil hindi pa kasali sa kwenta ang pagmamahal sa kuryente ng ibang supplier ng MERALCO.
Gayunman, sinabi ng tagapagsalita ng ERC na hindi nila pwedeng pahabain hanggang sa dulo ng taon ang dagdag para mas mapaliit pa ang singil.
Samantala sa March 14, isasalang sa hearing ang isyu.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments