Cauayan City, Isabela- Kamakailan ay inilunsad ng Barangay Buenavista sa Santiago City ang tinaguriang ‘Paw-it Project’ na layong maiiwas ang mga residente na magtungo sa mga matataong lugar gaya ng palengke.
Ayon kay Kagawad Russel Quines, ito ay bahagi ng kanyang inisyatibo katuwang ang Barangay Council at Sangguniang Kabataan. Layunin nito na mailalayo sa posibilidad na pagkahawa sa virus ang mga residente sa kanilang barangay. Dagdag ng opisyal, sila ang tatayong instrumento na magtungo sa pampublikong palengke at mga establisyimento upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya sa kanilang lugar.
Giit pa nito, sa pamamagitan ng proyekto. Wala nang dahilan para lumabas ang mga tao at magtungo sa matataong. Ayon naman kay SK Chairman April Jhon Eslabra, nakahanda ang kanilang hanay sa kahit anong pagtugon sa sitwasyon lalo pa’t para naman sa ikabubuti ng lahat. Aniya, hindi lang sa ordinaryong gawain naipapamalas ng mga kabataan ang kanilang pagtulong kungdi maging sa sitwasyon na malaki ang tsansa na mahawa rin sila sa virus. Sa kabila nito, hindi alintana SK Officials ang panganib sa ngalan ng paglilingkod.
Sa ngayon ay magpapatuloy ang iba pang proyekto para tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong sa kanilang nasasakupan.