EXPLOSION | Halos 40 patay sa pagsabog sa Syria

21

Syria – Patay ang nasa 39 na tao kabilang ang 12 bata sa nangyaring pagsabog sa Idlib, Syria.

Sa ulat, gumuho ang isang gusali na puno ng sibilyan sa lugar matapos ang pagsabog.

Bukod sa mga namatay ay maraming mga tao rin ang naiulat na nawawala.

Ang idlib ay siyang tanging lugar sa Syria na hawak pa rin ng mga rebeldeng grupo.

Facebook Comments