Manila, Philippines – Makakapagdiwang na ngayon ang mga Pilipino ng Pasko ng walang pinangangabahang banta ng kaguluhan.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Lorenzana, matapos malusaw ang Red October plot na binabalak ng mga kalaban ng estado.
Ayon kay Secretary Lorenzana, inabandona ng mga rebelde ang Red October plot matapos mabisto at maisapubliko ang kanilang plano.
Sa impormasyon mula sa AFP ang Red October ay isasakaturan sa Oktobre a 17 kung saan sabay-sabay sasalakayin ng mga rebelde ang mga police outposts at army detachments sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Nabanggit din ang 19 na unibersidad sa Maynila na napasok na umano ng CCP-NPA kung saan hinihimok ang mga estudyante na pabagsakin ang administrasyong Duterte.
Sa ngayon hawak aniya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga dokumento ng Red October plot.
Una ng sinabi ni AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., na Communist Party of the Philippines (CPP), Liberal Party (LP), Magdalo (faction of Sen. Antonio Trillanes IV), coalition for justice, ang ilan sa mga grupo na sumusuporta upang mapabagsak ang administrasyong Duterte.