PBA | Barangay Ginebra, panalo kontra GlobalPort Batang Pier; Alaska Aces, tinambakan ang Phoenix Fuel Masters

Manila, Philippines – Umangat ngayon sa ika-anim na pwesto team standings ang Barangay Ginebra matapos na manalo kontra GlobalPort Batang Pier sa PBA Commissioners Cup.

Tinalo ng Gin Kings ang Batang Pier sa score na 116-98 kung saan nanguna sa panalo ng Ginebra sina Justin Brownlee nay may 36-points at 11-rebounds habang may 10-points, 9-rebounds at 11-assists si Scotie Thompson.

Gumanda ang record ng Barangay Ginebra na may anim na panalo at limang talo.


Samantala, tinambakan naman ng Alaska Aces ang Phoenix Fuel masters sa score na 114-91 sa unang game kahapon na ginanap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Facebook Comments