PBA | Barangay Ginebra panalo kontra Rain or Shine

Manila, Philippines – Nasungkit ng Barangay Ginebra ang unang panalo kontra Rain or Shine sa kanilang best of five semifinals series sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Tinambakan ng Gin Kings ang Elasto Painters sa score na 102-89.

Nanguna sa panalo ng Ginebra ang kanilang import na si Justin Brownlee na may 35-points, 14-rebounds at 9-assists.


Pinahanga naman ni Jeff Chan ang coaching staff ng Barangay Ginebra matapos itong makapagtala ng 21-points laban sa dati niyang koponan.

Mapapanood naman mamayang alas-7:00 ng gabi sa The Big Dome ang game 2 ng semifinals ng San Miguel Beer at Alaska Aces kung saan abante sa serye ang Beermen, 1-0.

Facebook Comments