VIRAL | Instagram post ni John Lloyd Cruz tungkol sa paparazzi, usap-usapan

Manila, Philippines – Kaniya-kaniyang komento ngayon ang mga netizens sa ginawang pag-post ng picture ni John Lloyd Cruz sa sarili nitong instagram account.

Isa kasi sa mga posts ni papa Lloydie ay ang litrato kasama ang paparazzi na si Roberto Bellini na isa ngayong negosyante.

Matatandaan na bago tumira sa Pilipinas si Bellini, dati itong celebrity paparazzi sa Italy.


Dahil dito, agaw-pansin ang caption ni John Lloyd sa litrato kung saan nakalagay dito na “Roberto Bellini & I, The only paparazzi I love”.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na on-going ang legal battle na kinakaharap ngayon ng kaniyang partner na si Ellen Adarna matapos na pagkamalang paparazzi ang isang menor de edad na babae.

Tanong ngayon ng ilang netizens na tila nang-aasar o sinasadya ni Lloydie ang pagpo-post ng picture nito kung saan ilan hearing na din hindi umaatend ang love nitong si Ellen.

Facebook Comments