PBA | Ginebra, pasok na sa quarterfinals matapos talunin ang Bolts

Manila, Philippines – Nakasiguro ng puwesto sa quarterfinals ng PBA Governor’s Cup ang Barangay Ginebra matapos manalo kontra Meralco Bolts.

Tinalo ng Gin Kings ang Bolts sa score na 111-105 kung saan nanguna sa panalo si Justin Brownlee na may 31-points at 7-rebounds.

Nag-ambag din ng 31-points si Japeth Aguilar at dahil dito, mayroon nang pitong panalo at isang talo ang Ginebra habang ang Bolts ay mayroong isang panalo at limang talo.


Samantala, hindi pinaporma ng Blackwater Elite ang Rain or Shine sa unang laro sa score na 99-93.

Dahil sa panalo, pumapangalawa ngayon ang Elite na may 6-1 win/loss record.

Facebook Comments