PBA | Hotshots, ipapa-review ang naging laban kontra sa San Miguel Beermen

Manila, Philippines – Balak ipa-review ni Magnolia Hotshots Head Coach Chito Victolero ang naging laban kagabi kontra sa San Miguel Beermen.

Ayon kay Coach Victolero, walong minuto pa lang ay pinapatawan na sila ng penalty kaya gusto nila itong itanong sa technical committee para malaman nila kung saan sila mag-aadjust.

Positibo pa rin si Coach Victolero na may tyansa pa rin silang makahabol sa abante ng San Miguel Beermen sa 3-1 standing sa PBA Philippie cup finals.


Sa iskor kasi na 84-80, mas lumaki ang tyansa ng Beermen na makuha ang championship.

Dagdag pa ni Victolero, gagawin nila ang lahat para maipanalo ang susunod nilang laban.

Facebook Comments